Mas malawakang reshuffle sa mga paliparan,ikinakasa ng Bureau of Immigration

32

Nagkakasa ang Bureau of Immigration (BI) ng mas malawakang pagbalasa sa kanilang mga tauhan sa mga paliparan.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, mas maraming mga opisyal ng Immigration ang tatamaan sa naka-ambang reshuffle.


Ilan aniya sa mga ito ay dalawang taon na sa kanilang pwesto.

Inihayag pa ni Morente na ang sunud-sunod na balasahan sa BI ay bahagi ng pakikiisa nila sa kampanya kontra illegal recruiting at human trafficiking.

Una nang binalasa ang labing dalawang opisyal ng BI sa NAIA, Mactan Cebu at Iloilo.

Facebook Comments

From Advertisers