Mas malinis na office work area, requirement ng DOLE sa mga magbubukas na negosyo sa May 16

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng ilang mga negosyo sa bansa sa darating sa Sabado, May 16, nakipagtulungan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa guidelines na ipapatupad ng mga opisina o negosyo na muling magbubukas sa mga darating na araw.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kabilang sa guidelines na kanilang binuo ay ang pagkakaroon ng face mask sa opisina ng bawat empleyado na papasok.

Gayundin ang pagkuha ng body temperature sa mga papasok at required din maglagay ang mga ito ng disinfectants at iba pang sanitizers para sa mga empleyado.


Layon aniya ng nasabing guidelines na matiyak na ligtas sa kontaminasyon ang mga papasok na empleyado.

Facebook Comments