Mas maliwanag na ngayon ang dumpsite sa Dagupan City matapos lagyan ng mga solar lights sa ilalim ng programang Bagong Enerhiya sa Lungsod.
Ayon sa City Engineering Office, layunin ng proyekto na mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa lugar, lalo na sa gabi.
Sa tala ng tanggapan, nasa 412 solar lights na ang na-install sa iba’t ibang bahagi ng lungsod, kabilang ang lahat ng 31 barangay.
Bahagi ito ng mas malawak na hakbang ng lokal na pamahalaan tungo sa mas ligtas, mas maliwanag, at mas makabagong Dagupan.
Facebook Comments









