Mas maraming agri- business deals mula Japan, tiniyak na makukuha ni PBBM

Aasahan na muling makakahatak nang mas maraming agri-business investments mula Japan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang kaniyang pahayag sa media interview sa eroplano habang patungo ng Japan kahapon.

Ayon sa pangulo, umaasa siyang makakarating at maibebenta sa Japan ang mga agricultural products ng Pilipinas.


Ito ay dahil sa inaasahang pagpirma nito sa kasunduan kaugnay sa agricultural cooperation sa pagitan ng Japan at Pilipinas.

Sinabi pa ng pangulo, makikipag pulong siya sa iba’t ibang business leaders para ma-accelerate ang agricultural development ng bansa.

Ang Japan ang nag-iisang bansa na kung saan may bilateral free trade ang Pilipinas na tinawag na Japan-Philippines Economic Partnership Agreement or JPEPA.

Taong 2021, Japan ang pangalawang largest trading partner ng Pilipinas at pangatlong largest export market at second top source of imports ng Pilipinas.

Facebook Comments