Napansin ng Commission on Elections (COMELEC) na maraming kababaihan ang nagparehistro para sa nalalapit na halalan sa susunod na taon.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, higit 1.5 million ang nagparehistro mula nitong Enero, at 850,542 ay mga babae.
Aabot lamang sa 737,890 ang mga lalaking nagparehistro.
Sa ngayon, suspendido ang voters registration sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Abra, Quirino, at Santiago City sa Isabela hanggang April 30.
Facebook Comments