Kinumpirma ng Philippine Society of Maternal and Fetal Medicine (PSMFM) na mas maraming buntis ang nagpopositibo sa COVID na karamihan ay asymptomatic.
Ayon kay PSMFM former President Dr. Carmela Madrigal Dy, ang COVID testing ay required sa mga buntis bago papasukin sa mga ospital.
Gayunman, ang pagkakaroon ng COVID ng isang ina ay hindi nakakaapekto sa sanggol.
Ang isang ina kasi aniya na gumaling mula sa virus ay posibleng nagpasa ng antibodies sa kanyang sanggol.
Nauna nang sinabi ni Dr. Sybil Bravo, Pangulo ng Philippine Infectious Disease Society sa Obstetrics at Gynecology na ang infants ay nakatatanggap ng antibodies mula sa kanilang bakunadong magulang sa pamamagitan ng breastfeeding na may katumbas na proteksyon na anim na buwan.
Facebook Comments