Mas maraming consumer, naniniwalang hindi uunlad ang estado ng kanilang buhay – BSP survey

Mas maraming consumer pa rin ang naniniwalang hindi uunlad ang estado ng kanilang buhay.

Base ito sa Consumer Expectations Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa second quarter ng 2023.

Lumalabas sa survey na -10.5 percent ng mga Pilipino ang naniniwalang walang pagbabago sa katayuan ng kanilang buhay sa ikawalang kwarter ng taon mula sa kumpara sa -10.4 percent noong first quarter.


Kabilang sa dahilan ng negatibong sentimiyento ng mga Pilipino ay ang mabilis pa ring pagtaas ng presyo ng mga bilihin, mas malaking gastusin, mababang kita, kakaunting bilang ng trabahong pwedeng pasukan, at kawalan ng kumpiyansa sa mga polisiya ng gobyerno.

Facebook Comments