Mas maraming earthquake drills, asahan – NDRRMC

Magsasagawa ng mas marami pang earthquake drills ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kasunod ng serye ng mga lindol sa bansa.

Tugon ito ng NDRRMC sa mga iba’t-ibang komentaryo sa social media base sa mga video clips at CCTV kung paano nag-react ang mga tao sa oras ng lindol.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Edgar Posadas – mahalagang maturuan at masanay ang mga tao na mag- “duck, cover, at hold” principle.


Gagawin aniya nilang regular ang mga drill upang mapasok na sa sistema ng mga Pilipino ang mga gagawin kapag luminlol.

Bagamat normal reaction ang panic sa anumang lindol na malakas ang magnitude, matuturuan ang mga tao sa earthquake drill na manatiling mahinahon at sundin ang mga safety measures at magkaroon ng maayos ng paglikas.

Ang earthquake drill ay isinasagawa sa mga eskwelahan, government offices.

Facebook Comments