Makikinabang ang mas maraming healthcare workers sa unang batch ng AstraZeneca COVID-19 vaccines.
Ito ang sinabi ng Department of Health (DOH) sa harap ng plano ng pamahalaan na ipamahagi ang higit 525,000 doses ng AstraZeneca bilang first dose at gamitin ang susunod na batch bilang second dose.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mayroong 12 linggong pagitan o interval sa pagitan ng una at pangalawang dose ng AstraZeneca.
Ang distribution ng bakuna ay makatutulong din na maresolba ang isyu sa shelf life nito.
Titiyakin ng World Health Organization (WHO) na darating ang susunod na batch ng bakuna ngunit wala pang pinal na petsa kung kailan darating.
Facebook Comments