Mas maraming HREP protocol officers, ide-deploy sa araw ng SONA

Mas maraming protocol officers ang nakatakdang i-deploy ng Mababang Kapulungan para sa ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Lunes, July 24.

Ayon kay Deputy Secretary General for the Inter-Parliamentary and Public Affairs Department Atty. Grace Andres, ang naturang hakbang ay sa harap ng inaasahang pagdating ng mas maraming bisita para sa SONA ni PBBM.

This slideshow requires JavaScript.


Sinabi naman ni Inter-Parliamentary Relations Service (IPRS) Director Carmencita Dulay, sumailalim na sa training ang mga protocol officers ukol sa kanilang gagawin sa SONA day tulad ng pag-aasikaso sa mga VIPs sa loob ng Plenary Hall.

Pangunahing tungkulin ng protocol officers na matiyak na magiging maayos ang lahat ng galaw sa SONA.

Samantala, simulan na kahapon hanggang sa Lingo July 23 ang lockdown period sa buong Batasan Pambansa para mabigyang daan ang lubos na pag-iinspeksyon at paghahanda sa buong lugar para sa SONA.

Binanggit ni House Secretary General Reginald Velasco na bukod sa SONA ay kasama ring pinaghahandaan ang muling pagbubukas ng Second Regular Session ng 19th Congress sa Lunes ng umaga.

Facebook Comments