Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magsisilbing daan ang greenlane service para sa mas marami pang investment na papasok sa Pilipinas.
Sa naging talumpati ng pangulo matapos ang pagsaksi nito sa covenant signing ng Executive Order No. 18, inihayag ng presidente na malaking tulong ang reporma sa mga inaayos na papeles ng isang potential investors para mamuhunan sa bansa.
Sa pamamagitan ng green lane services ayon sa pangulo ay magtatatag ng single point of entry para sa mga investor na magkakaroon ng transaksyon para sa kanilang negosyo.
Ito ay ang one stop action center na magsisilbing tanging entry sa lahat ng mga proyektong kwalipikado maging strategic investments.
Sa pagkakaroon ng one stop center ayon sa chief executive ay magkakaroon ng streamlining sa bureaucratic procedures at mawawala ang pagka-delay o pagkaantala.
Bukod dito ay maisasara nito ang anumang oportunidad sa korapsyon.