Mas maraming investors sa ARMM ngayong 2018!

Nakatakda kasing aprubahan ng Regional Board of Investments (RBOI)-ARMM ang P1B na halaga ng investments mula sa nangungunang investors sa unang bahagi ng taon ayon kay RBOI-ARMM chief investment specialist Larzon G. Santos.
Napag-alaman na itinakda ng RBOI bukas, araw ng Huwebes ang site visit para sa mga mamumuhunan sa Lanao del Sur, partikular sa paligid ng Marawi City upang tuklasin ang posibleng investments sa lugar.
Ayon kay Santos, ilan sa naturang investors ay nagpamalas ng interes na maglagak ng puhunan upang makatulong sa rehabilitation efforts ng gobyerno.
Ilan sa proposed projects na subject ng approval ng RBOI-ARMM ay cacao plantations, pineapple plantation, banana plantations at oil palm refinery.(photo credit;bpiarmm)

Facebook Comments