Mas maraming isolation facilities, maitatayo sa ilalim ng Bayanihan 2

Sinabi ni National Policy Against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon na kahit pa dumami ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay kayang-kaya itong i-manage ng pamahalaan.

Ito ay dahil sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) kung saan mas marami pang isolation facilities ang maitatayo para sa mild cases maging sa mga asymptomatic.

Ayon kay Dizon sa ilalim ng Bayanihan 2, nasa P4.5 bilyon ang inilaan para sa pagpapatayo ng temporary medical isolation at quarantine facilities, field hospitals at maging sa expansion ng government hospitals’ capacity sa buong bansa.


Samantala, sinabi rin nito na kapansin-pansin ang pagbaba ng bilang nga mga tinamaan ng COVID-19 na dinadala sa isolation facilties.

Kung dati aniya ay halos mapuno ang hotels at We Heal As One Centers pero ngayon ay nasa 50 to 53% occupancy na lamang.

Kasunod nito hindi pa rin daw dapat maging kampante hangga’t wala pang bakuna kontra COVID.

Facebook Comments