Mas maraming isyu, dapat tutukan kumpara sa impeachment ni Pangulong Duterte – ayon kay Senator Pacquiao

Manila, Philippines – Okay lang para kay Senator Manny Pacquiao na hindi umabot sa Senado ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Reaksyon ito ni Senator Pacquiao matapos ibasura ng House Committee on Justice ang nabanggit na impeachment complaint.

Sabi ni Pacquiao, mas maraming usapin at problema ang bansa na mas dapat nilang atupaging mga senador.


Halimbawa aniya nito ang paghanap ng solusyon sa trapiko.

DZXL558

Facebook Comments