Mas maraming job losses, ibinabala ng isang business group kasunod ng banta ng EU na tanggalan ng GSP+ ang Pilipinas

Mas maraming trabaho ang nanganganib na mawala oras na matanggalan ng exports tariff incentives ang Pilipinas dahil sa isyu ng human rights violations.

Ayon kay Philippine Exporters Confederation, Inc. (Philexport) President Sergio Ortiz-Luis Jr., nasa 20% ng Philippine exports sa Europe ang maaaring maapektuhan kasunod ng naging banta ng European Union (EU) Parliament.

Aniya, napakaraming kumpanya ang hirap na hirap bumalik sa pagnenegosyo dahil sa pandemya at lalong mas maraming trabaho ang maaapektuhan kung mawawala ang GSP+ privilege ng Pilipinas.


Kabilang sa posibleng maapektuhan ay ang industriya ng niyog, marine products, semi-conductors at leather goods.

Paliwanag ni Ortiz-Luis, bagama’t may opsyon ang Pilipinas na maghanap ng ibang market para sa mga maaapektuhang industriya, hindi ito magiging madali.

Sa kabila nito, kumpiyansa siya na masosolusyunan ng bansa ang problema.

Aniya, balanse naman ang trade ng Pilipinas sa EU dahil may investors din sila na maaaring maapektuhan kaya hindi lang ang bansa ang maaagrabyado.

Facebook Comments