Mas maraming kabataan: Bilang ng dumagsa sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag Pangasinan sa Semana Santa

Mahigit isang milyon ang dumayo sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag sa panahon ng Semana Santa ngayong 2019 at mas marami ang bilang ng mga kabataan. Ayon kay Anthony Eudela, Prior Priest ng Minor Basilica Our Lady of Manaoag ‘very succesful’ ang selebrasyon ng Semana Santa ngayong taon dahil mas marami ang billang ng kabataan ang dumayo sa nasabing simbahan lalo na noong Holy Thursday kung saan ginananap ang tradisyon na alay lakad. Aniya patunay lamang na hindi nawawala ang pananampalataya ng mga kabataang Pilipino dahil pagkatapos ng ilang oras na lakaran mula sa kanilang mga bayan hanggang sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag wala umanong ingay sa simbahan at taimtim silang nanalangin. Dagdag nito na nakakatuwa at nakakapangilabot ang pagdagsa ng kabataan sa nasabing simbahan sapagkat ipinakita nila na buhay na buhay ang pananampalatay ng Pilipino. Sinabi ni Eudela magandang ipinagpapatuloy ng mga kabataan ang nasimulan lalo na ngayong Year of the Youth dahil hindi man nila naiintindihan ang Importansya nito sa umpisa unti unti ay mas mamahalin nila at mas bibigyan ng halaga. Samantala ayon namam kay Police Captain Manuel Garcia Jr, Deputy Chief of Police ng PNP Manaoag naging generally peaceful ang pagdiriwang ng Semana Santa 2019 maliban na lamang sa isang kaso ng Laslas Bag na ang ginamit ay blade na nairecord ng pulisya at under investigation pa. Sa kasalukuyan 100% parin ang deployment ng kapulisan sa buong Manaoag para sa seguridad ng mga bumibisita.

Facebook Comments