Mas maraming kaso ng Omicron variant, posibleng maitala sa Pilipinas sa susunod na isa hanggang dalawang buwan

Posibleng dumami ang kaso ng Omicron variant sa bansa sa loob ng isa hanggang dalawang buwan.

Ito ang babala ni National Task Force against COVID-19 special adviser Dr. Ted Herbosa sa interview ng RMN Manila.

Ayon kay Herbosa, hindi mapipigilan ang pagpasok ng Omicron kaya hinikayat niya ang publiko na magpabakuna na habang wala pang naitatalang local case ng mas nakakahawang variant.


Sa ngayon, nakapagtala na ang bansa ng tatlong imported case ng Omicron variant.

Facebook Comments