Inaasahan ngayon na lalo pang darami ang bilang ng mga Korean tourist na magtutungo rito sa Pilipinas.
Ito’y matapos maisapinal ang pagbubukas ng isang flight mula South Korea patungo sa Palawan.
Ayon sa Department of Tourism (DOT), nais ng pamahalaan ng naturang bansa na makipag-partner din sa Pilipinas para sa ilang programa kasama na ang pagsasanay ng tour guides gamit ang Korean language.
Matatandaan sa huling tala ng ahensya, ang mga Korean ang isa sa pinakamaraming bilang ng mga turistang dumayo sa bansa na nakapagtala nitong huling kwarter ng hanggang 26.14% mula sa kabuuang 1,332,855.
Facebook Comments