Mas maraming lalaki ang tinatamaan ngayon ng Human Immuno Deficiency Virus (HIV) dahil sa paid sex.
Base sa report mula sa HIV-AIDS Registry of the Philippines (HARP) ng Department of Health (DOH), aabot sa 144 na bago HIV Cases ang narekord nitong Mayo bunsod ng “transactional sex.”
97% ng kabuoang bilan ay mga lalaking may edad 16 hanggang 61-anyos, at 75% dito ay mga lalaki.
Sabi ng mga eksperto, ang “transactional sex” ay ang mga taong nagpapabayad o nagbabayad para sa sex.
Sa unang limang buwan ng taon, aabot na sa 673 ang tinamaan ng HIV dahil sa transactional sex.
Mula December 2012 hanggang may 2019 ay aabot na sa 6,740 ang may HIV cases sa bansa.
Facebook Comments