MAS MARAMING MGA SOLAR POWER PLANTS SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, NAKATAKDANG ITAYO

Matapos maaprubahan sa Sangguniang Panlalawigan Session ang mga nagpresentang mga kumpanya na nagnanais magpatayo ng Solar Power Plants sa lalawigan ng Pangasinan asahan na madaragdagan muli ang itatayong solar plants sa probinsya.
Sa datos, nasa apat na resolusyon na ang naaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan kung saan pinakabagong binigyan ng pagkakataon ang 3 Barracuda Energy Corp. sa intensyong magpatayo ng solar projects.
Sa panayam sinabi ni Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino na karamihan sa mga solar companies ay matatagpuan sa ikalawang distrito partikular sa mga bayan ng Bugallon, Aguilar, at Mangatarem.

Bukod dito, nabigyan din ng green light o go signal ang isang kumpanya na magpapatayo sa bayan ng Sual at dalawa naman sa San Manuel.
Inaasahan na sa mga susunod na dalawa hanggang tatlong taon makakatulong at makakapag-ambag na ang mga kumpanya ng humigit-kumulang 1.5 gigawatts sa power generation capacity ng probinsya.
Binigyang-diin ng opisyal na ang pamahalaang panlalawigan ay ‘nag-iingat nang husto sa pag-apruba ng mga naturang proyekto gaya ng mga solar projects. |ifmnews
Facebook Comments