Mas maraming OFWs, nagbukas na ng account sa OFBank

Mas dumarami ang bilang ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nagbubukas ng account gamit ang digital platform na Overseas Filipino Bank (OFBank).

Ayon kay OFBank President and Chief Executive Officer Leila Martin, mula nang buksan nila ang application para sa digital banking, tinatayang aabot sa 300 bagong accounts ang kanilang naitatala kada araw.

Mas pinadali ang pagbubukas ng bank account sa pamamagitan ng digital platform na maaaring i-download sa android o iOS.


Batay sa OFBank website, para makapagbukas ng account, mag-download lamang ng OFBank Mobile Banking App sa pamamagitan ng Google Play o App Store at sundin ang mga step para sa account opening.

Makakatanggap ang client ng confirmation mula sa app at sa email kapag matagumpay ang pagbubukas ng account.

Sinabi ni Martin, matapos makapag-enroll sa OFBank account sa OFBank Mobile Banking App, maaari na silang mag-transfer ng funds sa OFBank at LandBank accounts ng libre.

Maaari rin silang maglipat ng pera sa accounts mula sa ibang bangko sa pamamagitan ng InstaPay o PesoNet.

Ang OFBank ang kauna-unahang branchless Philippine Government bank na inilunsad noong nakaraang buwan.

Facebook Comments