MAS MARAMING PAGSASANAY TUNGKOL SA GENDER EQUALITY, TARGET MAISAKATUPARAN SA PANGASINAN

Bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya para sa gender equality at mas pinaigting na proteksyon sa kababaihan at kabataan, isang ugnayan ang itinatag ng Pangasinan Police Provincial Office at Women Involved in Nation-Building Inc.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga posibleng maging kolaborasyon ng mga aktibidad tulad ng mga seminar, training, at workshops na tututok sa mga isyung may kinalaman sa kasarian.

Hangad ng samahan na makipagtulungan sa mga himpilan ng kapulisan upang higit pang mapalakas ang mga adbokasiya para sa proteksyon ng kababaihan at kabataan habang nais namang gawin ng PPO na mas handa at may kakayahang tugunan ang anumang may kinalaman na insidente sa gender equality.

Sa pamamagitan nito, nais ipamulat sa buong lalawigan ang pagiging malakas at ligtas na komunidad.

Facebook Comments