Mas maraming pasahero, dumadagsa ngayon sa NAIA 2 Departure Area

Mas malaking volume ng mga pasahero ang dumadagsa ngayon sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 2.

Karamihan sa mga pasahero dito sa NAIA 2 ay patungo ng Cebu, Boracay, Iloilo at Palawan.

Inaasahan naman na mamayang hapon ay mas lalo pang hahaba ang pila sa check-in counters sa NAIA 2 dahil sa pagdagsa ng mga pasaherong patungo sa mga lalawigan.

Sa kabila ng sunod-sunod na paglapag at pag-take off ng mga eroplano, wala namang naitalang delayed flights.

Maluwag din ang mga kalsada papasok sa NAIA 2 bagama’t pinapayuhan ng local airlines na agahan ang pagtungo sa airport para maiwasan ang aberya sa kanilang biyahe.

Facebook Comments