Mas maraming Persons Deprived of Liberty (PDL) ang makalalaya pa sa mga susunod na araw.
Ito ay dahil sa pagsasagawa ng mga videoconferencing o videocon hearings ng mga Korte sa buong bansa
Ayon kay Supreme Court Administrator Atty. Midas Marquez, aabot na sa 4,683 ang PDLs na napalaya sa loob lamang ng isang linggo o noong April 30 hanggang May 8, 2020.
Ayon kay Marquez, malaking-bagay ang mga circular na inisyu ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na nagpapahintulot ng videocon hearings at pagpapalaya sa mga PDL na may nagawang minor crimes at kinakailangan lamang na maglagak ng reduced bail o piyansa o kaya ay “recognizance.”
Partikular na ginagawa ngayon ang videocon hearings sa Metro Manila, Baguio, maging sa Visayas at Mindanao.
Nauna nang umaapela ang ilang mga grupo na palayain ang mga PDL na high risk sa COVID-19 sa harap ng pagtaas ng bilang ng inmates na nagpopositibo sa virus.