Iniulat ng Department of Agriculture (DA) na mas maraming Pilipino na ang gumagamit ng hybrid rice seeds kung ikukumpara sa traditional rice seeds.
Ayon kay Dr. Dionisio Alvindia, program director ng DA Philippine Integrated Rice Program, noong January 15 abot sa 614,619 hectares, mula sa 1.52 million hectares na rice plantation ang tinaniman na ng hybrid rice seeds.
Ani Alvindia, mas malaki ang balik ng kita para sa hybrid rice seeds dahil nakakapag-ani na ang mga ito ng 260 bags per hectare.
Tumaas ang palay production ng bansa mula sa 19.29 million metric tons noong 2020 patungong 19.96 MMT noong 2021.
Facebook Comments