Mas maraming Pilipino sa Myanmar, target pauwiin ng DFA dahil sa nagaganap na kaguluhan doon

Tinatarget na ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mas maraming Pilipino ang mailikas sa Myanmar.

Kasunod ito ng mas madugong protesta sa nasabing bansa na nagresulta sa pagkakasawi ng 38 anti-coup protesters nitong Miyerkoles.

Ayon kay DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., magpapalabas na ang kagawaran ng abiso sa lahat ng Pinoy sa Myanmar na umalis na sa bansa habang posible pa.


Sinuportahan naman ni Locsin ang ulat na pinaalis na rin ng Singaporean government ang kanilang mga residente sa Myanmar dahil sa lumalalang kaguluhan.

Sa ngayon hanggang nitong Pebrero 15, aabot na sa 139 Pilipino ang naipa-repatriate sa Myanmar.

Matatandaang una nang nagkasa ng kudeta ang militar ng Myanmar at hinuli si State Counsellor Daw Aung Suu Kyi maging ang ilang senior elected officials.

Facebook Comments