Mas maraming Pilipino na ang bumibili ng kanilang meal o pagkain sa convenience stores dahil na rin sa fast-paced lifestyles o mabilis na takbo ng pamumuhay.
Base sa 2019 Nielsen shopper trends report, ang pagbili ng ready-to-consume food at drinks ay madalas nangyayari tuwing alas-4:00 hanggang alas-6:00 ng gabi kung saan ito ang oras na papauwi ang mga tao o nasa biyahe.
Ayon kay Nielsen Philippine Managing Director John Patrick Cua – ang mga consumers na nasa on-the-go lifestyle ay wala nang masyadong oras para maganda at magluto ng kanilang pagkain sa bahay.
Napansin din ng Nielsen ang pagdami ng bilang ng convenience stores, kung saan aabot sa 4,500 sa buong bansa at nakikita ang expansion sa Visayas at Mindanao.
Karamihan sa mga binibili sa convenience stores ay tinapay, hotdog sandwiches, siopao at tunapao, rice meals, bottled water, carbonated softdrinks at tsitsirya.
Mas marami ring shoppers ang bumibili rin ng fried chicken, energy o sports drinks, chocolate powder mixes, 3-in-1 coffee, at ready-to-drink beverages.
Isinagawa ng Nielsen ang survey mula November hanggang December 2018 sa higit 2,000 male at female respondents na may edad 15 hanggang 65 years old sa lahat ng socioeconomic classes.