Mas maraming Pilipino ang tiwala sa mga bakunang gawa sa United States laban sa COVID-19.
Batay ito sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Abril 28 hanggang Mayo 2 sa may 1,200 respondent.
Sa survey, tinanong ang mga respondent kung aling brand ng bakuna na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang kanilang pipiliin.
Sa 10 bakuna na pagpipilian, 39% ang pumili sa Sinovac, 33% sa Pfizer-BioNTech, 22% sa AstraZeneca, 10% sa Johnson & Johnson, 7% sa Moderna, tig-3% sa CureVac, Sinopharm, Novavax, Sanofi-GSK at 2% sa Gamaleya.
Lumabas din sa survey na 63% ang nagsabing nais nilang magmula ang bakuna sa US habang 19% naman sa China.
Mababatid na mula sa US ang Pfizer habang gawang China naman ang Sinovac.
Facebook Comments