Mas maraming samples, kinakailangan ng Philippine Genome Center para sa pag-detect ng Omicron variant

Kinakailangan pa ng Philippine Genome Center na kumuha ng mas maraming samples para matukoy kung mayroon nang Omicron COVID-19 variant sa bansa.

Ayon kay PGC Executive Director Cynthia Saloma, nasa kabuuang 18,000 genome sequences na ang kanilang sinuri at wala kahit isa dito ang positibo sa Omicron.

Sa ngayon, kinakailangan aniya ng PGC na mas paigtingin pa ang sequencing lalo na sa mga Pilipinong papasok ng bansa.


Sa kasalukuyan, hindi pa sigurado kung saan nagmula ang Omicron variant pero una itong natukoy ng mga scientist sa South Africa noong Nobyembre 25.

Facebook Comments