Friday, February 20, 2026

Mas maraming senior positions para sa mga guro, bubuksan ng pamahalaan

Magbubukas pa ng mas maraming senior positions para sa mga guro ang pamahalaan.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng oportunidad para sa promosyon ng mga public school teachers.

Ayon sa Pangulo, layunin ng administrasyon na mas maraming guro ang makaangat sa ranggo sa pamamagitan ng career progression program.

Sa kasalukuyan, nasa 16,000 guro na sa buong bansa ang nabigyan ng promosyon sa ilalim ng naturang programa.

Batay naman sa datos ng Department of Education, may mahigit 40,000 aplikasyon pa ang kasalukuyang nire-review para sa posibleng promosyon.

Giit ng Pangulo, bahagi ito ng pagtupad sa kanyang pangako na walang guro ang magreretiro bilang Teacher I, at paraan din para masuklian ang sakripisyo at dedikasyon ng mga guro sa serbisyo publiko.

Facebook Comments