Posibleng makaranas ng mas masayang Kapaskuhan ang mga Pilipino dahil sa mas pinaigting na sitwasyon ng sistemang pangkalusugan ayon sa OCTA Research.
Dagdag pa ng OCTA, mas mataas na ngayon ang bilang ng mga nabakunahan kumpara noong nakaraang taon, at kalimitan sa mga naiitalang kaso ay pawang mga mild at asymptomatic lamang.
Sa kabila nito, pinaaalalahanan pa rin ng OCTA ang publiko na sumunod sa safety protocols.
Samantala, naitala ang 12.7 percent na seven-day positivity rate sa Metro Manila nitong Martes, na ayon sa OCTA ay maaaring dahil sa pagdami ng mga taong lumalabas sa kanilang tahanan.
Pero iginiit din ng OCTA na patuloy nang bumababa ang positivity rate sa rehiyon nitong mga nagdaang linggo.
Naitala rin ang 11.6 percent na positivity rate sa bansa nitong Miyerkules na nananatiling mas mataas kumpara sa nirekomendang five-percent ng World Health Organization.