Kumpiyansa si Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na mas magiging masaya ang Kapaskuhan sa bansa ngayon taon.
Sa harap ito ng pagdating ng mas maraming pang bakuna.
Ayon kay Año, naniniwala siya na sa pagtatapos ng taon ay malaking bahagi na ng populasyon ng bansa ang naturukan na ng COVID-19 vaccine.
Sa tala ng Department of Health (DOH) hanggang nitong Hunyo 13, umabot na sa 6,948,549 doses ang naiturok na sa buong bansa.
Sa nasabing bilang, 5,068,855 ang nabigyan ng unang doses at 1,879,694 ang ikalawang dose.
Habang sa halos 2 million indibidwal ang nakakumpleto na ng COVID-19 vaccine.
Facebook Comments