Ikinalugod ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang paglagda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Republic Act No. 11958 o ang “An Act Rationalizing the Disability Pension of Veterans.”
Inaamyendahan nito ang RA 6948 na naisabatas noon pang 1990 upang mabigyan ng mas mataas na buwanang pensyon ang mga beterano na nagkaroon ng kapansanan o karamdaman sa kanilang pagseserbisyo.
Sa ilalim ng bagong batas, itataas sa P4,500 ang kasalukuyang pinakamababang disability pension na P1,000 kada buwan habang ginawa ng P10,000 ang pinakamataas na disability pension na P1,700.
Base sa bagong batas, ang lahat ng beterano na walang natatanggap ng disability pensyon ay makatatanggap ng P1,700 kada buwan sa pagsapit nila sa edad na 70.
Ayon kay Romualdez, ang bagong batas ay pagkilala rin sa kanilang sakripisyo para sa bayan habang tinitiyak na nakabalikat nila ang gobyerno kahit tapos na ang kanilang serbisyo.