Mas mataas na alokasyon ng tubig sa Metro Manila, ipatutupad simula sa June 15 – NWRB

Aprubado na ng National Water Resources Board (NWRB) ang pagtataas ng alokasyon ng tubig sa Metro Manila.

Ito ay matapos na ibaba noong mga nakaraang buwan ang alokasyon dahil sa epekto ng El NiƱo at maiwasan ang mga water interruption sa kabila ng mababang lebel ng tubig mula sa Angat Dam.

Simula sa Linggo, June 16 ay ibabalik na ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila sa 52 cubic meters per second mula sa kasalukuyang 50 cubic meters per second.


Samantala, pinag-aaralan ng NWRB na itaas ang limitasyon sa konsumo sa tubig ng mga mahihirap na pamilya na kalahok sa low-income lifeline rates.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ito ay para mas marami pang mahihirap ang makinabang sa mas murang singil sa tubig.

Sa kasalukuyan, hanggang 10 cubic meters lang ang pwedeng gamitin ng low-income lifeline customers para mabigyan sila ng hanggang halos kalahating porsyentong diskwento.

Sinabi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Primo David na lumalaki na kasi ang konsumo ng mga mahihirap na consumers sa dami ng miyembro ng pamilyang kasama sa bahay.

Facebook Comments