MANILA – Nangangamba si Quezon City Mayor Herbert Bautista na lalo pang tumaas ang kaso ng teenage pregnancy at HIV/AIDS kapag itinuloy ang plano ng Department of Health (DOH) na pamimigay ng condoms sa mga pampublikong paaralan sa bansa.Ayon kay Bautista, nasubukan na nila ang ganitong paraan noon at lalo lang dumami ang mga kabataang pumapasok sa pre-marital sex.Nilinaw naman ni Bautista na hindi siya tutol sa hakbang ng DOH, pero kung pwede sana ay idaan na lang ito sa mga health center.Samantala, maging si Vice President Leni Robredo ay hindi rin sang-ayon sa gagawin ng DOH.Ayon kay VP Robredo, delikado ang basta-bastang pamimigay ng condom sa mga kabataan lalo na kung walang sapat na kaalaman ang mga ito tungkol sa pagtatalik.Aniya, edukasyon pa rin tungkol sa reproductive health ang dapat maging prayoridad ukol dito.
Mas Mataas Na Bilang Ng Teenage Pregnancy, Pinangangambahan Sa Planong Pamimigay Ng Condom Sa Mga Pampublikong Paaralan
Facebook Comments