Buo ang suporta ng Mababang Kapulungan sa pagtaas ng budget na nakalaan sa defense sector sa ilalim ng pambansang pondo sa susunod na taon.
Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, marapat lang na itaas ang budget para mapalakas ang kakayahan na proteksyunan ang soberenya ng Pilipinas at territorial integrity.
Tinukoy ni Romualdez na sa ilalim ng 2024 P5.768 trillion proposed budget ay P282.7 billion ang inilaan sa defense sector.
21.6% itong mas mataas kumpara sa kasalukuyang budget na P203.4 billion Habang P188.5 billion naman ang pondo para suportahan ang Land, Air, at Naval Force Defense programs kasama na ang UN Peacekeeping Mission.
Paalala ni Romualdez, ang malakas na depensa ay hindi lang kalasag para sa komprontasyon kundi paraan din ng pagsusulong ng kapayapaan, katatagan at pag-papairal sa itinatakda ng batas.