Friday, February 27, 2026

Mas mataas na dibidendo ng Regular Savings at MP2, inanunsiyo ng Pag-IBIG Fund

Inanunsiyo ng Pag-IBIG Fund ang mas mataas na dibidendo para sa 2025.

Ito ay dahil nananatiling matatag ang pinansiyal ng ahensiya na may mahigit P1 trillion na total assets.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chairman at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Ramon Aliling, malinaw ang kanilang commitment na ibalik sa members ang kanilang mga kinita sa pamamagitan ng mas mataas na dibidendo.

Sa 2025 Chairman’s Report na isinagawa ngayong Biyernes, inanunsiyo rin ang pagtaas ng dividend rates para sa Pag-IBIG Regular Savings at return rate para sa MP2 Savings.

Sinabi naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta na resulta ito ng maayos na fiscal management upang mapalago pa ang savings ng mga miyembro.

Sa ngayon, nasa 6.62 percent na ang dividend rate para sa Pag-IBIG Regular Savings habang 7.12% per annum naman para sa Pag-IBIG MP2 Savings.

Facebook Comments