Mas mataas na dine-in capacity sa mga restaurants, hirit ng mga grupo ng negosyante

Patuloy pa rin ang giit ng mga restaurant owner sa Metro Manila upang taasan ang papayagan sa dine-in capacity.

Sa gitna ito ng pagsailalim ng Metro Manila sa Alert Level 4, kung saan pinapayagan na ang alfresco dining sa mga restaurants at eateries sa 30% venue capacity.

Habang ang mga indoor dining ay pinapayagan sa 10 percent capacity at sisilbihan lang ang mga fully vaccinated laban sa COVID-19.


Ayon kay Eric Teng, presidente ng Restaurant Owners of the Philippines, mas marami pang manggagawa ang makakabalik sa trabaho kung tataasan pa ang capacity ng mga restaurants

Kinilala naman ng grupo ang dahan-dahang pagbubukas ng mga industriya na kailangan para mabawasan ang risk ng COVID-19 transmission.

Facebook Comments