Umakyat pa sa 48°C ang naitalang heat index sa Dagupan City, kahapon.
Ayon sa PAGASA, Ito ang kasalukuyang pinakamataas na naitala sa buong bansa ngayong taon. Ayon sa PDRRMO, maaaring mahalintulad ang naranasang mainit na panahon sa paglalakad sa tirik na araw ng nakapaa sa buhangin.
Sa ganitong heat index, posibleng makaranas ang katawan ng heat cramps at heat exhaustion at maging ng heat stroke.
Bagamat mataas ang naitalang heat index kahapon makaranas ng pulo-pulong pag-uulan ang ilang bayan dulot ng easterlies.
Samantala, Patuloy ang paaalala ng awtoridad na ugaliing magbaon ng tubig na inumin, payong at iba pang panangga sa mainit na sikat ng araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments