Mas mataas na honoraria para mga gurong magsisilbi sa 2022 national elections, isusulong muli ng DepEd

98

Isusulong muli ng Department of Education (DepEd) ang pagkakaroon ng mas mataas na honoraria para sa teaching at non-teaching personnel na magsisilbi sa 2022 national elections.

Ilang linggo ito matapos ilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang Resolution No. 10727 kung saan makakatanggap ang mga election workers batay sa kanilang gagampanan sa halalan.

Para sa:
• Chairperson, Electoral Board (EB) – P7,000
• Members, EB – P6,000
• DepEd Supervisor Official (DESO) – P5,000
• Support Staff – P3,000
• Medical Personnel – P3,000


Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, bagama’t tanggap nila na mababa ang matatanggap ng mga guro kaysa sa naunang ipinanukalang honorarium, patuloy pa rin nila itong i-aapela sa Comelec upang mataasan.

Hindi naman idinetalye ng kalihim kung magkano ang dapat na increase pero malapit ito sa napagkasunduan nila noong Hunyo.

Matatandaang sa latest resolution ng COMELEC ay binigyan ng P2,000 na travel allowance ang mga chairperson at member ng Election Board habang may P1,000 naman para sa mga medical personnel, mga staff ng Emergency Accessible Polling Place (EAPP) at Isolation Polling Place (IPP).



Facebook Comments