Inirekomenda ni National Economic and Development Authority (NEDA) Director-General Karl Chua ang mas malaking infrastructure spending upang makalikha ng mas maraming trabaho ngayong may pandemic.
Sa hybrid hearing para sa P4.5 Trillion 2021 National Budget, sinabi ni Chua na isa sa mga pangunahing rekomendasyon nila para makalikha at makapagbigay ng mas maraming trabaho ay mas mataas na infrastructure spending.
Itinaas nila ang infrastructure spending ng 5.4% sa 2021 mula sa kasalukuyang 4.2% ngayong 2020.
Ipinagmalaki pa ni Chua sa mga kongresista na unti-unting numinipis ang underemployment at unemployment mula nang luwagan ang lockdown restrictions.
Ayon pa kay Chua, naibabalik na ang pagkawala ng 7.5 million na trabaho sa pagitan ng Abril at Hulyo matapos na isailalim sa General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ ang maraming lugar sa bansa.
Prayoridad din aniya ng pamahalaan ang kalusugan at pagbabalik ng kumpyansa ng consumers para buhayin muli ang sigla ng ekonomiya.
Bumaba sa 40% ngayong Agosto ang mga empleyadong bumabalik sa trabaho dahil sa kakulangan din ng public transport.
Tinitiyak naman nito na ibabalik din ang sapat na bilang at ligtas na transportasyon para sa muling pagbubukas ng ekonomiya at pagbabalik-trabaho ng mga tao.