Manila, Philippines – Pinatataasan ni House Metro Manila Development Chairman Winston Castelo ang multa ng mga bus drivers na lumalabag sa loading at unloading policy.
Ayon kay Castelo, isa ito sa kanyang nakikitang paraan upang solusyunan ang matinding traffic dahil sa madalas na paglabag ng mga bus drivers sa patakaran sa pagbaba at pagsakay ng mga pasahero.
Sakaling maisabatas, itataas sa kalahating milyon ang multa ng mga ganitong walang disiplinang bus drivers sa kanilang unang paglabag at isang milyong piso para sa ikalawang paglabag.
Kung umulit pa sa pangatlong pagkakataon, kakanselahin na ang prangkisa ng bus.
Giit ni Castelo, kailangang maturuan ng leksiyon ang mga pasaway na bus driver para hindi na lumala pa ang sitwasyon sa lansangan lalo na sa Metro Manila.