MAS MATAAS NA PAGBAHA SA ILANG BAHAGI NG DAGUPAN CITY, NARANASAN KAHAPON

Mas mataas na pagbaha dulot ng high tide ang naranasan kahapon ng mga taga Dagupan City sa ilang bahagi gaya na lamang sa may Zamora St. at Junction Area kung saan nagaganap rin ang kasalukuyang konstruksyon ng pinatataas na kalsadahan.
Bandang alas sais pa lang ng umaga ay umapaw na ang tubig sa kailugan ng lungsod at tuluyan ng tumaas ang tubig sa bahagi ng Downtown area sa may mga kanto ng Zamora St. at Junction papuntang Arellano St. bandang alas diyes ng umaga kaya naman ang mga taong dumadayo sa city proper, todo diskarte para hindi mabasa ng tubig baha.
Mukhang ang ilan, natunugan ang mas mataas na pagbaha kaya nakabota na nang dumating sa city proper at ang ilan naman gaya na lamang ng manlalakong si Ate Celia ay nagrereklamo dahil sa hindi nga umano sila mababasa ng ulan, ngunit nabababad naman daw sa tubig baha.

Malaki rin ang naging abala ng mas mataas na tubig baha sa mga motorista dahil sa pagbagal ng usad ng trapiko.
Bawal umanong bilisan ang pag-andar ng sasakyan dahil maaaring mabasa ang mga sasakyang motorsiklo at mapasukan naman ang loob ng mga mabababang tricycle.
Samantala, asahan pa rin ang tuloy tuloy na pagbuhos ng ulan dahil ayon sa PDRRMO ay maaari itong maranasan hanggang bukas. |ifmnews
Facebook Comments