Muling iniinda ng publiko partikular ang mga gumagawi sa lungsod ng Dagupan ang problemang pagbaha dahilan sa panahon ng high tide at noong mga nakaraang araw na bunsod ng naranasang mga malalakas na pag-ulan dulot ni Typhoon Goring.
Kahapon araw ng Miyerkules din kasi ay nasa 1.34 metro o 4.39 talampakan ang lebel ng hightide kaya naman kapansin-pansin ang pagbaha sa ilang mga pangunahing kakalsadahan sa lungsod tulad sa bahagi ng Tapuac Road, kahabaan ng Junction Area, AB Fernandez East ang mga gilid ng kakalsadahan sa kahabaan ng Perez Blvd.
Ayon sa ilang pasahero na mula sa mga karatig bayan, bilang hindi naman daw inasahan ang ganitong taas ng tubig ay hindi na nakapagsuot ang mga ito ng bota, at wala rin daw magawa ang mga ito kundi sumuong na lamang sa baha.
Ang mga driver naman ng mga pampasaherong sasakyan ay mas ramdam din ngayon ang bagal ng daloy ng trapiko dahil dito.
Pasakit din umano ito sa mga tricycle drivers dahil una, panahon na naman daw ito ng mas mabilis kalawanging mga pyesa at pangalawa, ang kanilang TODA na pinagpapasadahan ay lubog din sa baha.
Samantala, balik klase na ngayong araw sa lungsod ng Dagupan sa lahat ng antas pampubliko man o pribado. |ifmnews
Facebook Comments