Mas matagal na partnership, hiling ng mga opisyal ng Barangay 135 sa Pasay City

Mas matagal na partnership.

Ito ang hiling ni Brgy. 135 Chairman Cecilia Pilar sa DZXL Radyo Trabaho matapos bisitahin ang kaniyang barangay.

Ito’y sa pagpapatuloy ng “Katok Bahay Sopresa Trabaho” promo ng DZXL Radyo Trabaho na ikinakasa sa lungsod ng Pasay.


Sa pahayag ni Chairman Cecilia, marami silang nakalinyang mga programa at proyekto na nakatuon sa pagbibigay trabaho sa kanilang ka-barangay.

Hangad niya na sana ay makatuwang ang DZXL Radyo Trabaho upang mas lalo pang mapalawak ang pagbibigay impormasyon hinggil sa kanilang gagawing aktibidad.

Aniya, malaking tulong kung makakasama ng kaniyang barangay ang DZXL Radyo Trabaho lalo na’t layunin nila na magbigay serbisyo sa publiko tulad ng ginagawa ng ating himpilan.

Bukod sa mga opisyal ng barangay, nagpapasalamat din ang mga residente ng Brgy. 135 sa pagbisita ng Radyo Trabaho Team lalo na’t ilan sa kanilang ay nakatanggap ng souvenir mula sa “Katok Bahay Sopresa Trabaho” promo.

Facebook Comments