Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na magkakaroon ng matibay na proteksiyon ang mga Pilipinong mangingisda sa patuloy na alyansa ng Pilipinas at Amerika.
Ito’y sa gitna pa rin ng hindi matapos na usapin sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) at sa Indo-Pacific Region.
Ayon sa pangulo, malaking bagay ang pagiging bukas ng linya ng komunikasyon sa pagitan ng Amerika at Pilipinas kasunod na rin ng katatapos lang na 2+2 Ministerial Dialogue.
Ang patuloy na alyansa aniya at working relationship ng dalawang bansa ay nagbigay-daan sa mabilis na pagtugon sa mga sitwasyong panrehiyon.
Dahil dito ay nasusuri ng parehong bansa ang desisyon at solusyon sa maraming aspeto tulad ng RP-US alliance, at mga isyu sa teritoryo.
Facebook Comments