MAS MURA | Murang gulay, mabibili na sa ilang tanggapan ng gobyerno

Simula ngayong araw, maaari ng mabili sa ilang tanggapan ng pamahalaan ang mas murang gulay na galing Bukidnon.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, mas mura ito kumpara sa mga itinitinda sa palengke.

Mabibili ang mas murang gulay sa opisina ng Bureau of Plant Industry sa San Andres Manila at sa agriculture office sa Quezon City Circle mula alas-7 ng umaga hanggang maubos ang supply.


Samantala, nagtalaga na si Piñol ng kaniyang mga prayoridad bilang bagong mamumuno sa National Food Authority (NFA) matapos ibalik sa DA ang pangangasiwa sa NFA.

Sabi ni Piñol, agad niyang ipag-uutos ang pagtigil sa mga fancy rice sa kanilang pulong sa Lunes, Setyembre 24 at pagsibak sa ilang opisyal.

Facebook Comments