MAS MURA | Suking outlet ilulunsad ng DTI sa Parañaque City

Parañaque City – Simula ngayong araw mabibili na sa mas murang halaga ang ilang basic goods & prime commodities sa ilang pamilihan sa Parañaque City.

Ito ay dahil sa ilulunsad na suking outlet ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Parañaque.

Makakabili ng mas murang bigas partikular ng NFA rice, manok, baboy at gulay sa naturang suking outlet.


Ang nasabing programa ay bukas sa lahat ng major sari-sari stores, wholesalers at cooperatives na handang magbenta ng mga pangunahing bilihin na pasok sa tinatawag na suggested retail price (SRP).

Para makasali kinakailangan ang sari-sari store ay rehistrado at may kapital na hindi bababa sa P100,000.

Iuugnay din direkta ng DTI ang mga lalahok na sari-sari stores, wholesalers at cooperatives o mga tinaguriang “Suking tindahan” sa mga manufacturers nang sa gayon ay makuha nila ang kanilang mga ititindang produkto direkta mula sa mga distributors sa mababang halaga at ipapasa naman nila ito sa mga consumers na pasok ang presyo sa SRP.

Ang mga Suking Tindahan outlet ay mayruong malaking sticker o seal sa harapan ng kanilang tindahan.

Facebook Comments