Mas nakakahawa at mapanganib na uri ng Monkeypox, wala pa sa Pilipinas —DOH

Wala pang Clade 1b ng Monkeypox o Mpox sa Pilipinas.

Ito ang nilinaw ng Department of Health (DOH) sa gitna ng mga naitatalang kaso ng Mpox sa iba’t ibang lalawigan ngayon.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, ang mga kaso sa Pilipinas ay Clade II na mild lamang at naipapasa sa pamamagitan ng skin-to-skin.

Hindi aniya ito ang may public health emergency of international concern.

Samantala, nilinaw ni Herbosa na “meliodidosis” at hindi glanders ang anim na kasong naitala sa Siquijor na ikinasawi ng dalawang indibidwal batay na rin sa DNA analysis ng bacteria.

Batay sa US Centess for Disease and Control, ito ay isang bacterial infection na nakukuha mula sa kontaminadong putik.

Facebook Comments