Inamin ng Department of Health (DOH) na noong Disyembre 2020 pa naitala sa Pilipinas ang mas nakakahawang variant ng COVID-19.
Ayon kay Dr. Alethea de Guzman, medical specialist IV ng Epidemiology Bureau ng DOH, ito ang panahon na hindi pa natutukoy na may bagong variant ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuan aniya ng labing-anim na kaso ng B.1.1.7 variant ng COVID-19 sa bansa, isang specimen sa mga ito ay nakolekta nila noong pang ika-10 ng Disyembre nakaraang taon mula sa 23-anyos na lalaki mula sa Laguna.
Facebook Comments